April 03, 2025
Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Education (DepEd), Department of Information and Communication Technology (DICT), iACADEMY at Republic Asia para palakasin ang digital learning sa bansa.

Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Education (DepEd), Department of Information and Communication Technology (DICT), iACADEMY at Republic Asia para palakasin ang digital learning sa bansa.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina DICT Secretary Henry Rhoel Aguda, DICT Undersecretary Dino Aguirre, DepEd Assistant Secretary Aurelio Paolo Bartolome, iACADEMY President Raquel Wong at Republic Asia CEO Bran Reluao.
Sinabi ni Reluao na kanilang pangungunahan ang “Pay IT Forward: A Digital Transformation Advocacy" para mailapit ang digital education sa mga mag-aaral at komunidad.
Tiwala si Reluao na malaking tulong na maging handa ang bawat estudyante sa pamamagitan ng digital technology.
Aniya, ang nasabing programa ay suporta sa ipatutupad na free Wi-Fi ng DICT at blended learning ng DepEd.
Kaugnay nito, magkakaloob ang Republic Asia ng 100 tablets at tatlong Starlink devices sa tatlong pampublikong paaralan sa Cebu habang isasailalim naman ng iACADEMY ang mga guro sa training para matulungan sila na magamit nang husto ang teknolohiya.
Nagpapasalamat ang DepEd at DICT sa inisyatiba ng Republic Asia lalo na at malaking tulong para mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa at maisulong ang digital transformation initiatives ng pamahalaan. | via Gina Mape, DWWW News Team
#DWWW774 #YourUltimateNewsicRadio



