June 25, 2020
Online class, boluntaryo: Libreng WiFi handog sa mga mag-aaral ng Makati school

By Riley Cea | April 27, 2020
Namigay ng libreng Wi-Fi ang isang Makati-based school para sa kanilang mga mag-aaral na walang internet connection sa bahay, sa kasagsagan ng anti-coronavirus lockdown.
Katuwang ang Globe, direktang dineliber ng iACADEMY ang libreng home prepaid WiFi sa tahanan ng mga mag-aaral. Binigyan din ng libreng internet connection ang mga nangangailangang faculty member at staff ng nasabing paaralan.
Nakipagtulungan din ang iACADEMY sa Adobe, Toon Boom, at Autodesk Maya na maa-access ng mga mag-aaral na piniling mag-online class habang naka-home quarantine.
“We have exerted our efforts to coordinate with our partners and people in charge to make our online learning as seamless as possible, and to address the difficulties some of our students face on this study from home set up,” wika ni iACADEMY President-CEO Vanessa Tanco sa isang pahayag.
“We understand the mental and physical stress that everyone is facing due to the ongoing pandemic. We, ourselves, feel the same way but as a learning institution, iACADEMY has a duty to educate its students by doing every possible way to reach out to them and provide their needs as learners. In this difficult time, what we have to do is to adjust and adapt to remote learning which might be the new norm after this crisis,” sambit niya pa.
Giit ni Tanco, “voluntary” at “optional” lang ang kanilang online classes.
Nagsimula noong Abril 15 ang online learning at magtatapos sa Mayo 30. Babalik naman sa face to face ang mga klase kapag inalis ang enhanced community quarantine bago ang Mayo 30, 2020 at pinayagan na ng gobyerno ang on-site classes.
Samantala, para sa mga mag-aaral na ‘di nag-sign up sa online classes, kailangan nilang maghintay hanggang Hunyo 1 para sa pagpapatuloy ng klase, sakaling alisin ang ECQ bago ang Hunyo. Maaari umanong mausog ang simula ng mga klase kapag ‘di tinanggal ang ECQ sa Hunyo 1, 2020.
Kinukunsidera na rin umano ng iACADEMY ang hinaing ng mga estudyante na i-refund ang lab fees.



